Friday, March 21, 2008

gluta babe knb?



panoorin ang maikling presentasyon ^__^ enjoy

Tuesday, March 18, 2008

GLUTATHIONE

ISANG PAG-AARAL SA GLUTATHIONE: ANG KUTIS NA MAKINIS, SA MASA AY WALANG MINTIS

I. Kaligiran ng Pananaliksik
1. Panimula
Ang mga sinaunang Pilipino at kahit ang mga Pilipino ngayon ay likas na may kayumangging kulay. Sinasabing dahil ito sa mga una nitong mga ninuno na tinatawag na mga Aetas. Ang mga Aetas ay ang mga sinaunang ninuno ng mga Pilipino na maiitim. Nang lumaon, ay dumami ang mga Pilipino at halos lahat ay talagang mayroong kulay kayumanggi. Dahil sa mga mananakop na Kastila at mga dayuhang pumunta sa Pilipinas na nagbahagi ng kanilang kultura tulad na lamang ng mga Amerikano at Intsik ay umusbong ang kaisipang kolonyal. Ito ay ang pagtanggap sa kung ano mang mga ideya o kulturang ipahayag o ipakita ng mga dayuhan. Nang sila ay dumating sa bansa ay ipinakita at ipinadama nila na ang pagkakaroon ng kayumanggi o maitim na balat ay nangangahulugang ikaw ay nabibilang sa mababang uri ng lipunan at ikaw ay hindi maganda. Dahil dito ay naitanim sa utak na Pilipino na kailangang magkaroon sila ng kutis mestizo, kung kanila'y tawagin noong unang panahon, upang sila ay maging bahagi ng mataas na uri ng lipunan.

2. Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito ay sinuri ang iba't ibang impormasyon tungkol sa Glutathione.
Ang grupo ng mga respondent ay binubuo ng dalawampung tao na gumagamit ng Glutathione.
Sa pag-aaral na ito ay sisikaping sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
a. Ano nga ba ang Glutathione?
b. Ano ang benepisyong makukuha mula dito?
c. Meron bang masamang epekto ang paggamit ng Glutathione?
Sa pag-aaral na ito ay nais maabot ang mga sumusunod na layunin:
a. Ang mga dahilan bakit gustong pumuti ng mga Pilipino.
b. Mapatunayan na karamihan sa gumagamit ng Glutathione ay hindi alam ang tunay na epekto nito sa katawan nila bukod sa pagpapaputi.
c. Mailahad ang mga positibo at negatibong epekto ng Glutathione sa katawan ng tao.
d. Mapatunayan din na maraming gumagamit ng Glutathine dahil sa kanilang paniniwala na ang kaputian ay basehan ng kagandahan.


3. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga taong hindi nakakaintindi ng lubos tungkol sa Glutathione. Ito ay magsisilbing reference para sa mga taong nais makakuha ng impormasyon tungkol sa Glutathione. Ang mga makikinabang dito ay ang mga taong walang sapat na nalalaman tungkol sa Glutathione at mula sa pag-aaral na ito ay makakakuha na ng tama at sapat na impormasyon tungkol sa Glutathione.

4. Batayang Konseptwal/Teoretikal
A. Introduksyon
Nakapagtataka ngayong panahong ito ay madalas na marinig ang salitang Glutathione. Maririnig ito mula sa mga promosyon ng mga artista o personalidad tulad na lamang nila Andrew Wolf, Albert Martinez, Iwa Moto, Pauleen Luna, at Rachel Ann Daquis. Maririnig rin ito kadalasan sa mga kababaihan ngunit sa panahong ito ay pati na ang mga kalalakihan ay gumagamit nito. Ano nga ba ang Glutathione at ano ang mga nagagawa nito sa katawan ng tao? Ito ay ilan lamang sa mga katanungang nais sagutin ng pag-aaral na ito.

B. Glutathione

B.1 Kasaysayan sa Pilipinas
Sinasabing ang salitang Glutathione ay naging popular limang taon na ang nakakalipas dahil sa mga artista at personalidad na patuloy na nagpapasalamat sa iba't ibang medical groups katulad na lamang ng mga klinika nila Vicky Belo, Manny and Pie Calayan, at Joel Mendez. Dahil sa likas na mapagtanong at mausisa ang mga Pilipino, di naglaon ay nalaman nila na ang Glutathione ay isang paraan ng pagpapaputi at dahil sa nais nilang magkaroon ng kutis artista ay unti-unti nang dumami ang mga gumagamit nito.

B.2 Function
Ang Glutathione ay ang pinaka-popular at sinasabi nila na pinaka-epektibo na paraan ng pagpapaputi, pero, ano nga ba talaga ito? Ang Glutathione o GSH ay isang maliit na protein molecule na mula sa amino acids cysteine, glycine, at glutamic acid. Ito ay ginagawa sa loob ng mga selula o cells. Ang abilidad ng mga selula na gumawa ng Glutathione ay nalalaman sa supply ng raw materials o glutathione precursors.

Ano ba ang mga pakinabang ng Glutathione sa katawan ng tao? Ang Glutathione ay: nag-eenhance ng ating immune system, isang anti- oxidant at free radical scavenger – prinoprotektahan ng Glutathione ang katawan ng tao laban sa mga baktirya, viruses, pollutants, at free radicals, isang regulator ng iba pang anti-oxidants – hindi magiging epektibo ang iba pang anti-oxidants na protektahan ang katawan ng tao kapag wala ang Glutathione, isang detoxifying agent – ginagamot nito ang mga chemical compounds katulad ng carcinogens at metabolites, pinapababa nito ang pagkakaroon ng kanser, tumutulong sa pagbuti ng mental functions, pinatataas ang enerhiya, pinapabuti ang konsentrasyon, tumutulong sa pagbuti ng puso at atay, tumutulong upang maiwasan ang pagkabaog sa mga lalaki at pagkakaroon ng problema sa thyroid.

B.3 Benepisyo

B.3.1 Pangunahing Epekto
Ang pangunahing epekto ng paggamit ng Glutathione pills ay para pumuti ang balat ng gumagamit nito. Sa paggamit nito, inaalis ng Glutathione ang mga harsh chemicals sa katawan ng tao at dahil dito ay sisiglang muli ang kalusugan, ang proseso ng pagtanda ay babagal, at ang balat ay muling lilinaw. Ang Glutathione pills ay tinatakpan ang enzyme na Tyrosinase na gumagawa ng dark melanin pigments. Sa patuloy na paggamit nito, makikita na lumilinaw ang balat, lumiliit ang mga pores, nawawala ang mga hyperpigmentations ng balat, kumikinis ang balat, kinokontrol ang acne, at iniiwasan ang acne marks.

B.3.2 Side Effects
Walang side effects ang paggamit ng Glutathione pills. Sa katunayan, ang side effect nito ay ang kakayanan nitong magpapaputi ng balat.

B.4 Paraan ng Paggamit
May apat na paraan ng paggamit nito at ito ay ang mga sumusunod:
B.4.1 Oral
Ang oral na paggamit ng Glutathione ay ang pinaka popular, pinakamadali, at ito nasa anyo ng mga pills. Ilang halimbawa nito ay Active White Glutathione, Lucida-DS, Optimale, Detox White, at Metathione.

B.4.2 Injectibles
Ang injectible na paggamit ng Glutathione ay hindi gaanong popular. Maaaring ang pasyente mismo ang mag-turok ng Glutathione injection sa ugat ng kanyang kamay, braso, binti, o paa, o maaari namang pumunta sa doktor upang siya ang gumawa nito sa pasyente.

B.4.3 Lotion
Ang paggamit ng lotion ay isa sa pinaka madaling paraan upang pumuti pero hindi ito kasing epektibo ng mga Glutathione pills. Kasabay ng paggamit ng lotion ay ang pag-inom ng Glutathione pills para maging epektibo ang pagpapaputi.

B.4.4 Sabon
Ang paggamit ng sabon ay isa rin sa pinaka-madaling paraan upang pumuti. Hindi rin ito kasing epektibo ng mga Glutathione pills. Maaari lang itong gamiting isang beses isang araw at kailangan pang maglagay ng sunblock pagkatapos.

C. Sarbey at Interpretasyon
C.1 Sarbey
Ang sarbey ay binubuo ng tatlong tanong at ito ay sinagutang ng dalawampung katao.
Unang tanong: Gumagamit ka ba ng Glutathione?
Oo: 20
Hindi: 0
Pangalawang tanong: Bakit ka gumagamit ng Glutathione? Pumili lamang ng isa.
Gusto kong pumuti: 20
Gusto kong kuminis ang aking balat: 0
Para sa aking kalusugan: 0
Iba pang rason: 0
Pangatlong tanong: Alam mo ba ang iba pang epekto ito sa katawan bukod sa pagpapaputi?
Oo: 0
Hindi: 20

C.2 Interpretasyon
Batay sa sarbey na isinagawa ay masasabing ang pangunahing rason kung bakit gumagamit ang mga taong ito ng Glutathione ay nais nilang magkaroon ng maputing balat. Mula rin sa kanilang mga sagot ay masasabing hindi nila alam o wala silang ideya kung ano pa ang maaaring epekto ng paggamit nila ng Glutathione. Masasabing wala silang nalalaman ukol dito.

5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri sa Glutathione. Ang mga kalahok na respondent sa sinagawang sarbey ay mga taong gumagamit ng Glutathione. Mula dito ay malalaman ang pangunahing rason bakit sila gumagamit nito.

II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang mga datos na ito ay ilan lamang sa mga impormasyong nakalap mula sa internet.
What is Glutathione (GSH)
The presence of glutathione is required to maintain the normal function of the immune system. It is known to play a critical role in the multiplication of lymphocytes (the cells that mediate specific immunity), which occurs in the development of an effective immune response.
Furthermore, the cells of the immune system produce many oxygen radicals as a result of their normal functioning, resulting in a need for higher concentrations of antioxidants than most cells. Glutathione plays a crucial role in fulfilling this requirement.

· Functions of Glutathione Enhancing the Immune System - Your body’s immune activity, involving unimpeded multiplication of lymphocytes and antibody production, requires maintenance of normal levels of glutathione inside the lymphocytes.
· Antioxidant and Free Radical Scavenger - Glutathione plays a central protective role against the damaging effects of bacteria, viruses, pollutants and free radicals.
· Regulator of Other Antioxidants - Without glutathione, other important antioxidants such as vitamins C and E cannot do their job adequately to protect your body against disease.
· A Detoxifying Agent - Another major function of glutathione is in the detoxification of foreign chemical compounds such as carcinogens and harmful metabolites.
What is Glutathione exactly?
Glutathione (GSH) is a small protein molecule formed from the amino acids cysteine, glycine, and glutamic acid. Glutathione is manufactured inside your cells. Your cell's ability to make glutathione is directly determined by the supply of raw materials, or glutathione precursors. In particular, the amino acid cysteine.
Glutathione is the Master Antioxidant
Glutathione is your body's master antioxidant and one of the most important cleansing and healing agents. The highest concentration of glutathione is found in the liver which is the principal organ involved in the detoxification and elimination of toxic materials. Glutathione also acts to reconstitute the antioxidant vitamins C and E after they have been oxidized, and therefore plays a key role in their function.
Glutathione is a "Superfood" Glutathione is one of the 14 Superfoods listed in "SuperFoods Rx : Fourteen Foods That Will Change Your Life", co-authored by Dr. S. Pratt, an authority on food and aging. The list is based on an exhaustive study of the scientific research behind the world's best daily diets, and includes the 14 nutrients that show up consistently in the most health-promoting, disease-preventing, anti-aging diets in the world.
Glutathione is the "Life Extension Molecule" Low glutathione levels are found in immune comprodegenerative diseases such as cancer, multiple sclerosis, ALS, Alzheimer's, andmised individuals with neuro- Parkinson's disease, atherosclerosis, male infertility, pregnancy complications, cataracts, damage from many pharmaceutical drugs, and poor survival rates for patients with AIDS. High levels of glutathione appear to protect against the dangers of cancer, heart disease, premature aging, autoimmune diseases, and chronic illnesses.

III. Pamamaraan
Ang pamamaraan ng pagkalap ng impormasyong ginamit sa pag-aaral nito ay mula sa internet. Sinigurado ng mga mananaliksik na ang mga nakuhang datos ay napapanahon at mahalaga upang mabuo ang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey upang magkaroon ng impormasyon ukol sa pag-aaral.

IV. Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng mga Datos
Mula sa mga nakalap na mga impormasyon at datos galing sa internet at sa sarbey na isinagawa, ay masasabing ang pangunahing rason kung bakit gumagamit ng Glutathione ang mga Pilipino ay dahil nais nilang pumuti, dulot ito ng kolonyal na pag-iisip na tumatak sa utak ng mga Pilipino na ang kaputian ay basehan ng antas sa lipunan at ito ay basehan ng kagandahan. Mula rin sa pag-aaral ay masasabi na ang mga gumagamit ng Glutathione ay hindi o walang alam sa iba pang epekto ng paggamit nito maliban sa kakayahan nitong magpaputi ng maiitim na balat.

V. Paglalagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Sa pag-aaral na ito, masasabing talagang nais ng mga Pilipinong magkaroon ng mestizo o maputing balat kagaya ng mga dayuhang nanakop sa bansa. Dahil sa isip sa kolonyal o colonial mentality ng mga Pilipino, nais nilang makamit ang anyo ng mga dayuhan at itago ang kulay ng sariling lahi. Natatak sa mga isipan nila na ang pagkakaroon ng maputing balat o ang pagiging maputi ay nangangahulugang isa kang mayaman at nagiging basehan ito ng kagandahan ng isang tao. Dahil dito, umusbong ang iba’t ibang paraan ng pagpapaputi tulad ng paggamit ng pills, injectibles, lotions, at mga sabon. Lalong nahikayat ang mga Pilipino na maging maputi dahil sa mga produktong ito at baguhin ang imahe ng tunay na Pilipino. Walang masamang maghangad ng mas magandang panlabas na itsura, tandaan lamang na tayo ay Pilipino at ang pagkakaroon ng pagbabago sa panlabas na itsura ay kailan man hindi kayang baguhin kung sino ka talaga.

VII. Sanggunian
http://glutathioneskinwhitening.blogspot.com/
http://www.valueseek.com/glutathione/
http://en.wikipedia.org/wiki/Glutathione
http://www.evitamins.com/healthnotes.asp?ContentID=2857007
http://www.evolutionhealth.com/WheyProtien/Glutathione.htm
http://www.glutathione-ph.com/
http://www.tationil-ph.com/content/view/30/1
http://www.unitedshelter.us/gluta6.html